https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Diyaryong_akademiko&oldid=1828082
TL.WIKIPEDIA.ORG
Diyaryong akademiko Ang diyaryong akademiko o pahayagang pang-akademya (Ingles: academic journal) ay isang peryodiko o peryodikal na sinuri ng mga kasamahan sa larangan o akademya kung saan ang kadalubhasaan sa isang disiplinang pang-akademya ay inilalathala. Nagsisilbi ang mga diyaryong akademiko bilang mga poro para sa pagpapakilala at paghaharap o pagpapakita na susuriin ng bagong pananaliksi, at ng kritisismo ng umiiral na pananaliksik. Karaniwan itong naglalaman ng mga nilalaman na nasa anyo ng mga artikulo o lathalain na nagpapahayag ng orihinal na pananaliksik, mga artikulo ng pagsusuri, at mga pagsusuri ng aklat. Ang mga lathalain o publikasyong akademiko o propesyunal (pampropesyon) na hindi sinusuri ng mga kasama sa larangan ay pangkaraniwang tinatawag na mga magasing propesyunal o magasing pampropesyon.
Ang katagang "diyaryong akademiko" ay ginagamit sa mga lathalaing pandalubhasa sa lahat ng mga larangan. Ang mga diyaryong siyentipiko o pahayagang pang-agham at mga diyaryo ng pananaliksik na pangkantidad o dami sa mga agham panlipunan ay kaiba ang anyo at tungkulin kung ihahambing sa mga diyaryong panghumanidad at ng pangkalidad na mga agham...
0 Compartilhamentos
1 Visualizações